SERIAL ROBBERY GANG SA CAVITE, TIMBOG!

Paulo Diaz

NASAKOTE ng pinagsanib na puwersa ng Rosario at Noveleta Municipal police Station ang isa sa mga hinihinalang miyembro ng Serial Robbery Gang o tinaguriang “LBC” Gang sa isinagawang joint operation ng dalawang istasyon ng pulisya, kaninang 2:05 ng hapon.

Kamakailan ay sunod-sunod na nakawan ang nangyari sa iba’t ibang sulok ng lalawigan ng Cavite at pinuntirya ng mga sindikato ang mga LBC stores , pawnshops at convenience stores.

Halos maglumuhod at sabog ang luha at sipon ng suspek na kinilala ng pulisya na si Paulo Diaz, 35, residente ng Salcedo 1, Noveleta, Cavite nang masakote ito habang nasa loob pa ng minamanehong sasakyan na White Hyundai Starex na may plate number na siya umanong ginagamit na get-away vehicle ng sindikato.

Ayon sa salaysay ng mga nakasaksi, nagtangka pa umanong tumakas si Diaz at akmang aararuhin ang mga madadaanan nang maagap na naharangan ito ng police mobile patrol sa harap at likod.

Ayon kay P/Maj. Joewie Bantoto Lucas, hepe ng Rosario PNP, positibo nilang nakilala ang suspek na si Diaz at ang get away vehicle nito dahil sa mga CCTV footage na kanilang nakalap.

Ayon naman kay P/Capt. Alexiz Tuazon ng Noveleta PNP, isa pang Toyota Hi-Ace na puti na nakitang may sakay na 4 katao ang pinaghahanap pa nila ngayon at sinasabing isa pang get -away vehicle ng LBC Gang.

Habang sinusulat ang balitang ito ay kasalukuyang iniimbestigahan pa si Diaz na inaasahang isisiwalat niya ang kanyang mga kasabwat at mastermind ng kanilang sindikato. Agad namang sumugod ang magulang ni Diaz na nagpakilalang opisyal siya ng Provincial Government of Cavite sa ilalim ng opisina ni Governor Jonvic Remulla.

Ilan sa mga bayan na nabiktima ng LBC gang ay bayan Noveleta, Rosario, Kawit, Carmona, Imus at Bacoor!

Comments are closed.