MULING ipinaalala ng liderato ng Philippine National Police (PNP) sa mahigit 200,000 tauhan nito ang regulasyon hinggil nila sa pag-gamit ng inisyung baril.
Ayon kay PNP Spokesperson P/Brig.Gen. Ildebrandi Usana na ipinagbabawal ng firearms protocol ang paggamit ng inisyung baril sa mga pulis sa “personal agenda.”
Ginawa ni Usana ang paliwanag kaugnay ng paggamit ni P/SMSg Jonel Nuezca ng kanyang service firearm sa pamamaril sa mag-inang Sonya at Frank Anthony Gregorio sa Paniqui, Tarlac.
Magugunitang sa pagsuko ni Nuezca, sabay din nitong isinuko ang kanyang 9mm Beretta pistol na ginamit sa krimen.
Ayon kay Usana, ang paglabag sa firearms protocol ni Nuezca ay may kaparusahan na pagkasibak sa serbisyo sa oras na maresolba ang kaso.
Subalit, nilinaw ni Usana na awtorisado ang mga off-duty na pulis na magdala ng service firearms para magamit sa pagresponde sa krimen.
Paliwanag ni Usana, 24/7 kasi ang trabaho ng pulis at responsibilidad nito na tumugon sa krimen, anomang oras kailangan. EUNICE CELARIO
Comments are closed.