Laro sa Linggo (Abril 17):
(Araneta Coliseum)
6:30 p.m.- Ginebra vs Meralco
(Game 5, best-of-7 finals)
NAKONTROL ng Barangay Ginebra ang second half upang gapiin ang Meralco, 95-84, sa Game 4 at maipatas ang best-of-7 PBA Governors’ Cup finals sa harap ng record crowd kagabi sa Araneta Coliseum.
Nagtuwang sina Justin Brownlee at Scottie Thompson para tulungan ang defending champions na pigilan ang Bolts na kunin ang 3-1 kalamangan sa serye sa harap ng 17,298 crowd, ang pinakamarami magmula nang pumutok ang pandemya.
Nagbuhos si Brownlee ng 27 points, 18 rebounds, 7 assists, 3 steals, at 2 blocks upang makabawi sa malamyang performance sa kanilang Game 3 loss kung saan nalimitahan siya sa conference-low 19 points.
Kumana rin si Thompson ng 27 points na sinamahan ng 4 rebounds at 4 assists, kabilang ang clutch three-pointer na nakatulong para maapula ang mainit na paghahabol ng Meralco sa fourth quarter.
Bagaman hinayaang makaiskor si Tony Bishop ng 25 ay points ay nalimitahan ng Gin Kings si Chris Newsome ng Meralco.
Naghahabol ng 20 points, ang Bolts ay nakalapit sa 7 points, may 2:40 minuto ang nalalabi mula sa tres ni Newsome, 78-85, subalit naibalik ni Thompson ang kanilang double digits na kalamangan sa kanyang sa sariling tres sa sumunod na possession.
Nagsalpak sina Newsome at Allen Maliksi ng three-pointers sa huling dalawang minuto, subalit naging matatag ang Ginebra, salamat sa timely buckets mula kay LA Tenorio, na naitala ang 10 sa kanyang17 points sa final quarter. CLYDE MARIANO
Iskor:
Ginebra (95) – Brownlee 27, Thompson 27, Tenorio 17, Standhardinger 11, Chan 9, Pinto 4, Tolentino 0, J. Aguilar 0, Mariano 0.
Meralco (84) – Bishop 25, Newsome 15, Black 14, Almazan 11, Quinto 6, Hodge 5, Hugnatan 3, Banchero 2, Baclao 0, Caram 0.
QS: 24-21, 41-41, 68-54, 95-84