“Hindi kami karne! Tao kaming iginagalang.” Iyan ang reklamo ng mga beauty pageant contestants sa isyung may mga gumagawa ng sexual harrassments sa kanila habang naririto sa Filipinas.
“May mga nanay at anak na babae rin kayo!” ang protesta naman ng ilang kababaihang sumusuporta sa kanila.
Sa Ig post, ikinuwento ni Miss J.V. ang umano’y sexual harassment na kaniyang naranasan sa kalagit-naan ng pageant dito sa Filipinas kailan lang. Paliwanag naman ng organizer ng patimpalak, hindi nila alam ang nangyari sa kandidata. So, porke’t hindi ninyo alam, malamang hindi nangyayari? Bugok na sagot!
ANG INSIDENTE
May dagliang umalis na beauty contestant at ang ilan naman ay hindi na sumali sa events dahil pa-kiramdam nila ay hindi sila ligtas sa pangangalaga ng organizer ng patimpalak.
Matapos ang ilan pang insidente ng patuloy na pagtawag sa kaniyang kuwarto at pagpipilit ng sexual favors, dumulog si Ms. JV at iba pang kandidata sa person in-charge sa pageant. Dalawang linggo raw siyang nakaranas ng sexual harassments bago pa ito naharap.
Kinumpiska raw ang kaniyang passport sa unang araw pa lang kaya pakiramdam niya ay hindi na siya makaaalis. Tuluyan na raw siyang nawalan ng kumpiyansa sa organisasyon nang pinasok ng team managers ang kuwarto niya at kinuha ang ilang gamit niya nang hindi nagpapaalam sa kaniya.
Sa huli, nagpasalamat siya sa mga kaibigang tumulong para mabawi ang kaniyang passport at makaalis. Bakit walang alingawngaw ang CHR dito? Hindi pa ba nalalabag sa kasong ito ang karapatang pantao?
MAY BATAS NA R.A. 7877
Ito ay tinaguriang, “The Basics of Philippine Laws for Women” or ang Anti-Sexual Harassment Act.
1. Ano ang sexual harassment?
Ang sexual harassment ay ang sapilitang paghingi, paghiling o pag-uutos at iba pa, ng sekswal na pabor mula sa iba, ito man ay tanggapin/pagbigyan o hindi ng biktima.
2. Saan at kailan may sexual harassment sa ilalim ng R.A. 7877?
Ang sexual harassment ay maaaring nagaganap sa loob ng trabaho at lugar ng pag-aaral o pagsasanay.
3. Sino ang maaaring lumabag sa anti-sexual harassment law?
Sinumang direktang magsagawa ng mga ipinagbabawal na akto, babae man o lalaki ay maaaring mapa-rusahan sa ilalim ng batas. Gayundin, sinumang humikayat o tumulong sa iba na isagawa ang mga nasa-bing akto ay maaari ring managot sa batas.
4. Ano ang mga mga paraan ng sexual harassment?
• Physical or malicious touching.
• Overt sexual advances.
• Gestures with lewd insinuation.
• Verbal requests or demands for sexual favors.
• Lurid or lewd remarks.
• Written notes with sexual underpinnings.
5. Paano nagaganap ang sexual harassment sa lugar ng trabaho?
Ang sekswal na pabor ay ginagawang kondisyon sa pagtanggap sa trabaho ng isang aplikante o pananatili ng isang empleyado sa kanyang trabaho, o di kaya’y sa pagkakaloob ng sahod o anumang benepisyo at pribilehiyo.
6. Paano nagaganap ang sexual harassment sa lugar ng pag-aaral o pagsasanay?
Ang sekswal na pabor ay kondisyon upang bigyan ang biktima ng pasadong marka, parangal o scholar-ship, allowance at ano pa mang benepisyo o konsiderasyon.
SINO ANG MGA ABUSADO RITO?
Ito na ba ang ating kultura? Naalala ko pa noon na ang taguri sa kababaihan ay ‘binibini’. Ibig sabihin may halong paggalang.
Sa panahon ngayon, itong sexual harassment ay talamak na mula sa trabaho hanggang sa paaralan. Si-no nga ba ang mga umaabuso sa kanilang posisyon?
The perpetrator can be anyone, such as a client, a co-worker, a parent or legal guardian, relative, a teacher or professor, a student, a friend, or a stranger. The victim and perpetrator can be any gender. The place of harassment occurrence may vary. There may or may not be other witnesses or attend-ances. The incident may be a one-time occurrence but more often the incident is repeated.
Adverse effects on the victims are common in the form of stress, social withdrawal, sleep or eating difficulties, and overall health impairment. Ang problema, gaya sa kaso ng rape, ang ‘burden of proof’ ay hindi pabor sa biktima.
PSYCHOLOGICAL ANALYSIS
Ayon sa psychologists, ito ay senyales ng isang ‘broken and fractured culture’. Kung baga sa bibliya, patungo na ang ating lipunan sa estado ng Sodom at Gomorrah. Narito ang kanilang analysis sa mga gumagawa nito:
• Desire to ‘protect occupational territory’
Sometimes sexual harassment is used to intimidate and discourage women in traditionally male-dominated occupations.
• Approval of sexual objectification
Many men are surrounded by a culture that reduces women to sexualized objects.
• Perceived invincibility
There are issues of entitlement, power and control that lead to situations where men feel it is perfect-ly fine to engage in these kinds of behavior.
• Exhibitionistic disorder
This involves exposing one’s genitals or sexual organs to a non-consenting person. While this disorder is linked to very specific behavior, it mirrors the culture that many women are not respected in society.
PROFILE NG SEXUAL PREDATORS
• Narcissistic – they think they have been deprived of a sexual experience they ‘deserve’.
• Psychopaths – bold, manipulative exploiters and have no empathy for others.
• Machiavellianism – named for the Renaissance politician, Niccolo Machiavelli for his delusion of gran-diosity.
• Moral disengagers – individuals who create their own version of reality where moral principles do not apply to them.
• Moral justifiers – portraying harassment as acceptable.
• Euphemistic labelers – uses sanitized substitutions for naming their behavior.
ANG SOLUSYON
Values formation. Naaalala n’yo pa ba na itinuturo dati sa paaralan at maging sa media ang pagpapaupo sa bus at jeep sa matatanda, buntis at babae? Ngayon lalaki pa ang nakikipag-agawan sa upuan.
Naaalala n’yo pa ba ang pagmamano at salitang po/opo? Ngayon ‘give me five’ na lang. Unti-unti ay nalilimutan natin ang GMRC.
Sa mga ganitong kaso ng sexual harrassments, there are dehumanization and attribution of blame to the victims. The end result? Harassers sleep well at night because, they wrongly believe they didn’t cause any harm. Eh kung sa asawa o anak mo gawin ‘yan? Or sa sariling lola mo kaya? Sino bang Amado ‘yan?
*Quotes
“I tell you the truth, just as you did it for one of the least of these brothers or sisters of mine, you did it for Me.”
– Matthew 25:40
oOo
Salamat po sa pagsubaybay sa ating artikulo tuwing Lunes. Para sa mga dagdag ninyong katanungan, maaari po kayong makinig sa DWIZ 882 khz every Sunday at 11am sa programang Kalusugang Ka-BILIB or text sa (0999) 414 5144 or visit our Facebook account: lebien medical wellness. God bless dear read-ers!
Comments are closed.