SHABU NA GREEN TEA NADISKUBRE SA KOTSE

CAR-GREEN TEA.jpg

BULACAN – TINATAYANG nasa  isang kilo ng hinihinalang shabu ang natagpuan ng isang concerned citizen sa nakaparadang kotse sa gilid ng kalsada na may plakang XKP-622 na kulay itim na iniwan pa ang susi sa ilalim ng sasakyan sa Bypass road sakop ng Brgy. Camachilihan sa ba­yan ng Bustos.

Sa report na ipinadala ni Chief Insp. Ronnie Pascua kay PNP Regional-3 Director, Chief Supt. Joel Napoleon Coronel ganap na  alas-9:30 ng umaga nang matagpuan ang ­ilegal na droga.

Nabatid na nakita sa loob ng inabandonang sasakyan ang dalawang pakete ng plastic ng greentea na may markings ng Chinese character.

Kung saan katulad ito ng shabu na natagpuan ng mga tauhan ng PDEA sa isang village sa Alabang, Muntinlupa City.

Samantala patuloy naman ang imbestigasyon ng mga pulis kung sino ang may-ari ng sasakyan at kung kanino dadalhin ang kontrabando. THONY ARCENAL

Comments are closed.