GENERAL SANTOS CITY – HINDI nakalabas ng presinto ang isang babae nang tangkain nitong magpuslit ng shabu sandwich nang dumalaw ito sa isang inmate na nakakulong sa presinto sa General Santos City.
Tinangka umanong ipuslit ni alyas Carmen ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu na ipinalaman sa tinapay at ibibigay sana sa isang preso na nahaharap din sa kasong droga.
Lumilitaw na dumating ang babae na may dalang plastic bag na may grocery items at isang pack ng loaf bread. Pero napansin ng desk officer na nabuksan na ang balot ng tinapay.
Sa inspection ay tumambad ang 2 sachets ng hinihinalang shabu na ipinalaman sa tinapay.
Depensa ng misis, pinakiusapan umano siya ng isang tricycle driver na ihatid ang plastic bag na may lamang pagkain sa estasy-on ng pulis at ibigay ito sa presong si alyas “Gang-Gang” na nakakulong sa selda.
Kinumpirma ni Capt. Davis Dulawan, ng nasabing himpilan na may nakakulong nga doong “Gang-Gang” (totoong pangalan ay Philip Lo) na may kasong selling of dangerous drugs na nahuli noong Enero.
Itinanggi ni Lo na nagpahatid siya ng grocery items at tinapay sa selda.
Ayon kay Dulawan, sasampahan pa rin nila ito ng kasong possession of dangerous drugs at sa korte na lang umano ito magpakita ng mga patunay na inosente ito. VERLIN RUIZ
Comments are closed.