SHAINA MAGDAYAO MAY 2 ‘ENGINEERING FOR KIDS’ AT BANANA FARM SA DAVAO

SHAINA MAGDAYAO

BUKOD sa pagi­ging actress ng Philippine entertainment industry, malapit si Shaina Magdayao sa mga bata at my puso siya para sa mga ito kaya isa sa  kanyang concern ay kanilang edukasyon. At para sa kanyang personal advocacy ay naisip ni Shaina na mag-franchise ng “Engineering for Kids” na matatagpuan sa Katipunan Avenue, Quezon City.

Ngayon ay nagbukas sila ng panibagong branch sa Iloilo. Binuo ang “Engineering for Kids” na mula pa United States para makatulong sa mga bata na ma-develop ang kanilang solid problem solving skills sa pamamagitan ng paghiyakat sa kanila na ma­diskubre at matutunan ang math and science concepts in an innovative and fun ways.

Ang mga subject na itinuturo sa nasabing school ay Math, Science, at Engineering. At mula 4 years old hanggang 14 yrs. old ang puwedeng mag-enrol at mag-aral dito. Bukod sa kanyang school, ay may sariling farm din si Shaina sa Davao at matagal na ang negosyo niyang ito na ipinamamahala niya sa kanyang Daddy Mike.

PELIKULANG “LUIB” NI DIREK REYNO OPOSA PANLABAN SA LOCAL AT INT’L FILMFEST

direk oposaSA official Facebook account ni Direk Reyno Oposa na nakabase na sa Ontario Toronto, Canada ay mapanonood na ang trailer ng latest indie movie nito na “Luib,” na pinagbibidahan ng mga aspiring stars na mga dekalibre kung umarte.

Betrayal ang tema ng film at quality ito na produced, sinulat at dinirek ni Oposa katuwang ang kanyang assistant director na si Benedict Pioquinto. Sa ganda ng movie kung saan naisalarawan ang sistema ng lipunan ay malaki ang chance ng “Luib” na makapasok hindi lang sa local gayundin sa international film festival. Puwede pang ma-nominate dito ang ilan sa cast, na kayang makipagsabayan sa pag-arte sa mga kilalang dramatic stars.

Samantala, nakatakda ng isumite ni Direk Reyno ang mga pelikula niyang “Bahaghari Sa Alapaap” at “Dugyum (Kadiliman) sa Cinemalaya para sa Cinemalaya 2020 at ‘yung “Dambana” at “Hiram Na Binhi” na intended naman for QCinema. Si Direk Reyno rin ang sumulat ng mga kuwento nito na siguradong ikagugulat ng lahat ang plot ng bawat istorya at ngayon lang sila makapanonood nito.

EAT BULAGA MAGKAKAROON NA NG BAGONG TAHANAN

ILANG dekada ring naging tahanan ng Eat Bulaga ang Broadway Studio, kung saan araw-araw at umaga eat bulagapa lang ay makikita mo na ang mga Dabarkads na galing sa iba’t ibang lugar na pumipila para makapanood ng live ng favorite nilang noontime show.

Yup, finally ay tapos na ang ipinagawang APT Studios sa 3,000 square meter lot sa pagpasok lang ng Cainta, along Marcos Highway. Apat na floors ito at may Sound Stage sa 4th floor na magagamit sa post production ng mga pelikula. Kompleto ang equipment at isang grupo ng mga American ang nag-design at nag-set up ng sounds. Inabot ng kalahating bilyon ang investment ni Mr. T sa APT Studios. Yes, half billion ang nagastos sa pagpapagawa ng studio na mas maraming fans ang ka­yang i-accommodate. Sa Broadway ay 500 lang ang napagkakasya na fans.

So, sa nalalapit na pag­lipat ng studio ng Eat Bulaga, na sabi ay sa Sabado, Disyembre 1, ay siguradong ikatutuwa ng nakara­raming dabarkads especially sa mga taga-Marikina ang good news na ito.