POSITIBO sa red tide ang ilang baybaying dagat sa bansa.
Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), bawal kainin ang mga makokolektang shellfish sa Bataan, coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol, Leyte, at Guiuan, Eastern Samar.
Umiiral din ang shellfish ban sa baybaying dagat ng Milgaros sa Masbate.
Ipinagbabawal din ng BFAR ang pagkain ng alamang.
Maaari namang kainin ang isda, pusit, hipon at alimango basta siguraduhin lamang na sariwa, maayos na niluto, at tinanggal ang hasang at kaliskis. DWIZ 882