Wala palang naging seryosong relasyon sina Sheryl Cruz at Romnick Sarmenta noong panahong sikat na sikat ang kanilang love team.
Ayon sa dalawa, 15 years old lang noon di Sheryl at 17 naman si Romnick kaya nakisabay na lamang sila sa agos.
Siguro umano ay naging sila nga dahil lagi silang magkasama at wala naman sila kapwa karelasyon. Tumagal umano ito hanggang 17 si Sheryl at 19 si Romnick.
Fortunately, dahil pareho silang hindi seryoso, naging magkaibigan pa rin sila kahit “break” na.
Kahit ngayon umano ay nagbabatian sila.
Si Anjo Yllana umano ang nag-alok ng kasali kay Sheryl noong nasa tamang edad na ito. Hindi umano nangyari kina Sheryl at Romnick na pag-usapan ang kasal dahil kahit saang anggulo daanin, hindi sila pwedeng ikasal dahil pareho pa silang napakabata noon. RLVN