SHOCKING UPSET: PACQUIAO TALO KAY UGAS

NABIGO si Manny Pacquiao na mabawi ang World Boxing Association super welterweight belt kasunod ng unanimous decision loss kay Yordenis Ugas, Linggo sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, Nevada.

Dalawang judges ang nagbigay ng iskor na 116-112, habang ang ikatlo ay 115-113 pabor kay Ugas.

Isang last-minute replacement kay unified welterweight champion Errol Spencer, Jr. na umatras sa laban makaraang magtamo ng eye injury, matagumpay na naisagawa ni Ugas ang kanyang fight plan para madominahan ang nag-iisang eight-division world champion ng sport.

Pinilit ni Pacquiao na makipagsabayan sa laban pero kapos ang bawat suntok nito  at hindi umaabot sa mukha ng Cuban fighter, na naitala ang karamihan sa kanyang mga puntos mula sa tuloy-tuloy na jabs at malalakas na suntok sa ulo.

Bagama’t mas agresibo si Pacquiao sa pinakawalang 815 suntok – higit sa doble sa output ni Ugas – nakatama lamang siya ng 130 para sa mababang 16% rate, ayon sa Compubox.

Samantala, nakatama si Ugas ng 151 para aa 37% at nadominahan ang power punches category na may 59%, kung saan 101 sa kanyang 171 power shots ang kumonekta.

Maluwag namang tinanggan ng Filipino boxing icon ang kanyang pagkatalo.

“I congratulate my opponent Yordenis Ugas for making it tough tonight and winning tonight. That’s boxing,” ani Pacquiao.

Inamin din ni Pacquiao na nahirapan siyang mag-adjust sa ring na nagresulta sa kanyang pagkatalo.

“I’m having a hard time making adjustments about my body style and I think that’s the problem for me, I didn’t make adjustments right away. My legs are so tight that’s why it’s hard to move,” paliwanag niya.

Sa kabila nito, pinasalamatan ng fighting senator ang lahat ng nanood at nag-cheer sa kanya laban kay Ugas.

“Well, I’m so thankful to the fans coming here to witness the fight live. I really appreciate your effort to come here. I’m sorry that we lost tonight but I did my best. I apologize.”

Sa undercard, nagtala ng magkaibang resulta ang dalawang Pinoy fighters. Napanatili ni Mark Magsayo ang kanyang malinis na marka sa pamamagitan ng knockout win kay Julio Ceja sa Round 10 ng kanilang WBC featherweight title eliminator habang nalasap ni John Dato ang unang pagkatalo sa kanyang career kontra Mexican boxer Angel Contreras.

82 thoughts on “SHOCKING UPSET: PACQUIAO TALO KAY UGAS”

  1. 510742 364648Extremely man or woman speeches need to have to seat giving observe into couples. Brand new sound system just before unnecessary folks ought to always be mindful of typically senior general rule from public speaking, which is to be the mini. very best man speaches 352185

  2. 869361 962553Wow! This could be one specific of the most helpful blogs Weve ever arrive across on this topic. In fact Fantastic. Im also an expert in this subject therefore I can understand your hard function. 605772

  3. 439705 296429Wow, incredible weblog layout! How long have you been blogging for? you make blogging appear effortless. The overall appear of your website is wonderful, as effectively as the content! xrumer 297493

  4. 570943 175209In todays news reporting clever journalists work their own slant into a story. Bloggers use it promote their works and numerous just use it for enjoyable or to stay in touch with friends far away. 562575

Comments are closed.