NAGKAKAROON nga ba ng problema ang pagsu-shooting ng “Hello, Love, Goodbye” ng Star Cinema sa Hong Kong dahil sa pagdumog ng fans sa shooting location nila na madalas ay nasa palengke, like iyong post ni Joross Gamboa na nasa Mong Kok sila.
Noon lang dumating sina Kathryn Bernardo at Alden Richards ng Hong Kong, marami nang gustong makalapit sa kanila, na mostly ay AlDub fans, nang kawayan at nag-flying kiss daw si Alden sa kanila ay nagtilian ang fans na ikinataranta ng mga airport police. Nang mapatahimik sila, tanong daw ng isang pulis, “is that your President” na ikinatawa raw ng fans, nag-level na raw si Alden mula sa tawag na ‘Gov,’ ngayon ‘president’ daw naman.
Nagagalit daw ang staff sa rami ng fans kaya sabi ni @HyperbolaOne “crowd control (i.e. restricting pedestrians from getting into frames, etc) when filming/shooting in a public place can be a nightmare. The challenge of making sure filming goes on without a hitch falls on the shoulders of the pro-duction staff.
Given that #HelloLoveGoodbye stars two high-profile celebrities, w/huge followings, and being shot in a country (Hong Kong) that is the domicile of many Pinoy fans of KB & @aldenrichards02, HLG prod staff should have anticipated the daily mob of fans (& onlookers) on the film set. They could have hire security agencies to keep cast, crew & set secure & safe. Here’s hoping #HelloLoveGoodbye completes the shoot successfully.”
Naalaala namin nang mag-shooting sina Alden at Maine Mendoza ng “Imagine You & Me” sa Italy, nag-hire sila ng Italian counterparts nila doon kaya kahit maraming dumarating na fans sa shooting, hindi sila nakalalapit sa set hanggang hindi sila tapos.
Based sa photos na naipo-post sa socmed, makikitang kahit nasa set si Alden, nilalapitan siya ng fans at nagpapa-sign ng autograph sa kanya.
EAT BULAGA LENTEN SPECIAL PARANG PELIKULA
NAGSIMULA noong Holy Monday, April 15, ng mala-pelikulang presentation ng “Eat Bulaga’s Lenten Special.” Nauna ang episode na “Bula-wan” na tampok sina Alden Richards, Ryan Agoncillo, Wally Bayola, Pia Guanio, Baeby Baste at Joey de Leon. Sa direksyon ni Rio Florido, shot in General Santos City, tungkol ito sa tatlong magkakaibigan at ang aral na makukuha rito, hindi lahat ng ginto ay kumikinang, mas mahalaga ang pagka-kaibigan.
Nitong Holy Tuesday, “Biyaheng Broken-Hearted” nina Maine Mendoza, Paolo Ballesteros, Ruby Rodriguez, Maureen Wroblewitz, Tommy Penaflor, with guest Rafael Rosell, Jennica Garcia, and with the special participation of Ms. Chiqui Hollman. “Yung mga relasyon namin natapos ‘yung moving on hindi… ganon ba un?” Sa direksyon ni Ice Idanan. Ang kabuuan nito ay kinunan sa Benguet, Kalinga at La Union.
Sa Holy Wednesday, tampok naman ang “Ikigai” na kinunan ang kabuuan sa Japan, na magtatampok kina Pauleen Luna-Sotto, Allan K, Jimmy San-tos, Ryzza Mae Dizon, Jose Manalo at Vic Sotto. Si Luane Dy ang gumaganap bilang si “Anne” isang Pinay entertainer sa Japan. Sa direksyon naman ito ni Ricky Davao, kuwento ito ng pagkakaibigan, pamilya at pagpapatawad.
Ang EB Lenten Special ay mapapanood mula 12 Noon to 2:30 PM, kaya parang nanood ka ng isang buong pelikula.
Comments are closed.