SIARGAO(para sa katahimikan ng puso)

Hugis ng luha, ngunit puno ng pangako ng katahimikan ng puso, ang isla ng Siargao ay nasa West Philippine Sea, northern coast ng Mindanao, sa dakong hilagang silangan ng Tacloban, at may layong 196 kilometers sa nasabing siyudad. Maliit lamang ito ngunit napalilibutan ng napakalinis na tubig na puno ng mga korales, at puting puting buhangin.

Kapag narinig mo ang Siargao, isa lamang ang maiisip mo – surfing. Kilala kasi ito bilang surfing capital of the Philippines, at kinilala bilang Best Island in Asia sa 2021 Conde Nast Travelers Readers awards. Marahil, ito ang dahilan kung bakit pinili ng mahusay na aktres na si Andi Eigenmann na dito tumira kasama ang kanyang pamilya.

Isa ang Siargao sa siyam na bayan ng Surigao del Norte. Liban sa surfing, pwede rin sa Siargao ang iba pang activities tulad ng cave explorations at rock climbing.

Mula Maynila, ang overland distance ng Siargao ay 1630 kilometers. Pwedeng direktang lumipad sakay ng Skyjet Airlines mula Manila, o magtungo sa Cebu at sumakay sa Cebu Pacific o Philippine Airlines.

Pwede rin namang lumipad muna patugong Surigao City at sumakay ng ferry papuntang Siargao, o pumunta sa Butuan at mag-bus papuntang Surigao City, at ferry papuntang Siargao.

Kung nagtitipid, pinakamurang pumunta muna sa Cebu, lumipad patungong Surigao City at mag-ferry patungong Siargao Island mula sa Surigao Port.

May kamahalang pumunta sa Siargao. Pamasahe pa lamang, aabutin ka na ng 24,700 lalo na mula Marso hanggang September. Hindi pa kasama dyan ang accomodation at pagkain.

Para ma-enjoy mo ang bakasyon, dapat ay maglaan ka ng apat hanggang limang araw na bakasyon. Pwede ring 4 days and 3 nights lang at kung kapos ka sa oras at badyet, pwede na ang 3 days and 2 nights itinerary.

Para sa pang-araw-araw na gastos, pwede na ang P2,000, kasama na dyan ang pagkain, drinks at kung ano-ano pa. Pero ako, nagbaon po talaga ako ng oatmeal, instant noodles, instant coffee, juice powder at instant chocolate drinks para kapag naubusan ng pera, hindi ako gugutumin. Kasi naman, pati softdrinks, doble talaga ang presyo. KNMartin