(Signal No. 5 sa Cagayan, Signal No. 4 sa Isabela) PILIPINAS NAGTAAS NG ALERTO DAHIL SA BAGYONG OFEL

Itinaas ng pamahalaan sa pinakamataas na antas ng storm alert ang lahat ng government agencies na nasa ilalim ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) sa panahon ng kalamidad at libo libong pamilya ang inilikas bunsod ng banta ng Super Typhoon Ofel habang nakaamba rin ang paparating na Tropical Storm Pepito.

Nabatid na nagsimulang manalasa ang bagyong Ofel sa hilagang bahagi ng Luzon at itinaas sa Tropical Warning Signal No 5 ang malaking bahagi ng Cagayan habang nasa Signal No. 4 naman ang Isabela.

Ipinatupad ng Pilipinas ang pinakamataas na alerto laban sa bagyo at inilikas ang libo-libong tao araw ng Huwebes habang humahagupit ang Super Typhoon Ofel patungo sa hilagang Luzon na ilang ulit ng sinalanta ng mga nagdaang bagyo nitong nakalipas na linggo.

Si Ofel ay may taglay na lakas ng hanging aabot sa 180 kilometro bawat oras at pinakamalakas na bugso na aabot sa 230 KPH — ang ikalimang bagyo na nagbabanta sa bansa sa loob lamang ng tatlong linggo.

Babala ng Office of Civil Defense, ang hangin ay maaaring magdulot ng ng pinsala sa mga istruktura gawa sa light materials, lalo na sa mga coastal areas, na itinuturing na “low-risk”, bukod pa sa banta ng landslides sa mga naninirahan sa may dalisdis ng bundok

“Intense to torrential rain” and potentially “life-threatening” coastal waves of up to three meters were also forecast over two days, with the storm warning raised to the highest signal on a five-step scale.”

Bunsod nito kakailanganin ng gobyerno ng panibagong supply para matustusan at mapakain ang nasa tinatayang 40,000 tao na kahalintulad na bilang din ng mga inilikas bago pa ang pananalasa ng nagdaang Typhoon Marce na tumama rin sa Cagayan.

“We expect this situation to persist over the next few days” as Ofel brings more rain, ayon pa sa OCD.

Pangamba pa ng OCD nakaamba na rin ang banta ng pananalasa ni Tropical Storm Man-yi (Pepito) kung saan posibleng mahagip din ang Metro manila.

“Typhoons are overlapping. As soon as communities attempt to recover from the shock, the next tropical storm is already hitting them again,” pahayag ni UN Philippines Resident and Humanitarian Coordinator Gustavo Gonzalez na kasalukuyang nakikipag ugnayan sa UN para sa planong paglikom ng mahigit $32 million dollars na ayuda sa Pilipinas.

VERLIN RUIZ