KILALA ang bayan ng Balayan sa Batangas sa mga likas na yaman tulad ng tubo, niyog at mais. Sikat din sila sa isang lumang katedral, ang Bassilica Minore de Immaculada Concepcion. Pero ang pinagdarayo ng lahat at ang mahalagang event na kung tawagin ay Parada ng Lechon na ginaganap taon-taon tuwing ika-24 ng Hunyo, kasabay ng kapistahan ni San Juan de Bautista. Ang pista ng Immaculate Conception ay ginaganap sa December 8. Bukod sa Parada ng Litson, kilala rin ang Balayan sa masarap na bagoong.– SHANIA KATRINA MARTIN