SIKAT NA CANADIAN VLOGGER, FILIPINO CITIZEN NA

INAPRUBAHAN ng Senado nitong Lunes sa huling pagbasa ang panukalang batas na nagbibigay ng pagkamamamayan ng Filipino sa sikat na Canadian vlogger na si Kyle Jennermann na kilala rin bilang “Kulas.”

Sa plenaryo ng Senado, lahat ng senador ay bumoto para aprubahan ang House Bill 7185.

“Congratulations to a brand new Filipino citizen,” ani Senate President Juan Miguel Zubiri.

“Perhaps this is a pivotal moment in globalization, wherein we learn to love our identity even more as Filipinos [through] the eyes of someone… considered foreigner,” ayon naman kay Sen. Ronald Dela Rosa.

Sa panukalang batas na nagmula sa Kamara, inilarawan si Jennermann bilang “isang Canadian national who found himself enamored with the Philippines.”

Ang vlogger ay may humigit-kumulang isang milyong followers sa YouTube sa kasalukuyan. LIZA SORIANO