LIMANG drug suspect kabilang ang isang sikat na rapper ang dinakip ng pulisya sa isinagawang buy bust operation kamakalawa ng gabi sa Makati City.
Ang mga suspek na naaresto ay nakilalang sina David Rizon, 35-anyos; Marlon Peroramas, 33-anyos, rapper, alyas Loonie; Idyll Liza Peroramas Diaz, 28-anyos, manager, pawang taga- 313 East Raya Gardens, Pasig City; Ivan Agustin, 26-anyos, photog-rapher, ng #82 MH Del Pilar, Valenzuela City; at Albert Alvarez, 57-anyos, ng C. Reymundo St., Pasig City.
Base sa report ng Makati City Police, dakong alas-8:45 kamakalawa ng gabi nang madakip ang mga suspek sa ikinasang buy bust operation sa basement parking area ng Herald Suites, Polaris St., Brgy. Poblacion, Makati City.
Ayon sa pulisya, isinagawa ang buy bust operation laban sa mga suspek matapos na sila ay makatanggap ng impormasyon hinggil umano sa pagbebenta ng droga ng mga suspek.
Isa sa mga pulis ang nagpanggap na bibili ng shabu mula sa mga suspek na nagresulta nang pagkakadakip sa mga ito.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang 15 pirasong plastic sachet na naglalaman ng kush isang uri ng high grade marijuana na nagkakahalaga ng P105,000, P1,000 bill boodle money, cellular phone, camera, saltic vape, iba’t ibang uri ng IDs at P760.00 cash. MARIVIC FERNANDEZ
Comments are closed.