YUMUKO si Nesthy Petecio kay Sena Irie ng Japan via unanimous decision upang magkasya sa silver medal sa Tokyo Olympics.
Matikas na nakihamok si Petecio kontra Irie subalit kinapos na maibigay sa Pilipinas ang ikalawang gold medal nito sa Games.
Sinikap niyang tapatan ang mga suntok ni Irie subalit mas mabilis ang Japanese upang maitakas ng huli ang panalo sa division na isinama sa Olympic program sa unang pagkakataon.
Ang silver ni Petecio ang una para sa Philippine boxing sa Olympics matapos na masungkit ni Mansueto ‘Onyok’ Velasco ang parehong medalya sa Atlanta 1996 edition.
Ito rin ang ikalawang medalya ng bansa sa Tokyo makaraang masikwat ni Hidilyn Diaz ang gold sa women’s -55 kgs ng weightlifting noong nakaraang Hulyo 24.
“This means a lot to me,” wika ni Petecio sa isang well-attended press conference. “I dedicate this fight to my country, my family, and my best friend, who died last February.”
“But most especially, I dedicate this silver medal to my coach, Coach Boy [Nolito Velasco] for his tireless effort to bring me to where I am now,” aniya.
Hindi napigilan ni Petecio ang mapaluha sa medal ceremony.
Sa parehong press conference ay sinabi ni Petecio na hindi siya hihinto sa kanyang Olympic dream.
“Tuloy pa rin ho,” aniya. “Kagaya ni champ Hidy [Diaz], nag-silver siya sa Rio and nag-gold siya dito at 30, kaya tuloy ang laban.”
Si Petecio ay nakatakdang tumanggap ng hindi bababa sa P17 million mula sa pamahalaan at pribadong sektor — P5 million sa ilalim ng Republic Act 10699, tig-P5 million mula sa San Miguel Corporation at MVP Sports Foundation, at P2 million mula kay House Deputy Speaker Mikee Romero. CLYDE MARIANO
336159 686920You completed certain great points there. I did looking on the topic matter and discovered most persons will go together along with your blog 517842