Handa ka na bang simulan ang natitira pang bahagi ng itong buhay? Heto na! Baguhin ang iyong katawang nagmumura ang mga bilbil, at magkaroon ng tiwala sa sarili. Kaya mo? Syempre!
Wait! Huwag tayong magmadali. Minsan kasi, nakaka-overwhelm ang pagpapapayat. Ang sikreto kasi, unti-unti lang pero seryoso. Hindi crash diet. Believe me, pag ginawa mo yon, lalo kang tataba.
Mas maganda kung integrated ang simple exercises sa inyong daily routine para hindi malilimutan.
Kung easy workouts kasi, hindi nakakatamad. Nagkakaroon ka ng consistency, dahil ginagawa mo ito unconsciously.
Bawas injury risk din. Dahil simple movements lang ito, magka-injury man, minor lang. At dahil pumapayat ka na, nabu-boosts ang iyong confidence.
I-consider ninyo ang brisk walking. Walang kahirap-hirap. At least 30 minutes a day, pwede na.
Try mo rin ang jumping rope. Sinusunog nito ang extra calories. Naisip ko rin, baka kaya hindi ako tumaba noong college, madalas akong mapa-squat. Nabasa ko, nakakabawas pala yon ng timbang kung gagawin 10-15 reps sa tatlong sets.
Pwede ring magbisikleta na lang. Nakapasyal ka na, naka-exercise pa. Pero kung may time ka pa, try mo ang yoga at swimming — good for the heart! At kung mahilig kang sumayaw, kahit cha-cha lang, pwede na. Kung wala pa rin, sana lang meron kayong second floor para magmanhik-manaog ka na lang. Mabagal sa simula, pero bilisan habang nagtatagal.
Ayoko sanang irekomenda ito dahil ako mismo, hindi ko ginagawa, pero sa totoo lang, maganda talaga ang push-up. Lumalapat kasi ang tiyan ko sa sahig.
Anyway, kayo ang pumili kung ano ang bagay sa inyo. Hindi lahat Yan, kailangan ninyong gawin. Paalala lang, kumunsulta sa duktor bago magsimula.
JAYZL NEBRE