SIMPLENG PROSESO NG PAG-AMPON ISINUSULONG

Senador Risa Hontiveros

UMUUSAD na sa Senate Committee on women, children, family relations and gender equality ang panukalang mas simpleng proseso ng pag-aampon o ang Simulated Birth Rectification Act of 2018.

Batay sa Committee report bilang 498 na inilabas ni Senadora Risa Hontiveros, chairman ng komite, na papayagan nang mabago ang record sa Civil Registry ng mga batang aampunin.

At kapag naisabatas na ito, puwede nang ilagay sa mga dokumento sa Civil Registry ang pangalan ng mag-aampon bilang kanilang mga magulang.

Sa ganitong paraan, alinsunod sa panukala ay hindi na kailangan pang idaan sa Korte ang pag-aampon.

Ayon sa panukala, ang nais mag-ampon ay kailangan na lamang maghain ng petisyon sa Department of Social Welfare and Development officer sa lungsod o munisipalidad kung saan nakatira ang batang aampunin.

Kung kaya’t  ang petisyon sa pag-aampon ay pag-aaralan at pagpapasyahan ng kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa loob ng 30-araw.