IPAGDIRIWANG ng Philippine Sports Commission (PSC) ang ika-30 anibersaryo nito sa pamamagitan ng simpleng seremonya sa pinagandang Rizal Memorial Coliseum (RMC) sa Malate, Manila ngayong araw.
“We are very happy to celebrate our 30th anniversary. This journey will not be possible without the help of everyone who has been with us since day one,” wika ni PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez, na special mention ang mga chairman na tumulong sa sports agency mula sa founding year nito noong 1990.
Ibinasura ang naunang plano sa pagdiriwang ng anibersaryo, nagpasiya ang PSC board at employees na i-donate ang kanilang inilaan para sa okasyon sa pagtulong sa mga biktima ng pagsabog ng Bulkang Taal.
“Sabi ko nga, trenta na kami, mas mature na kumbaga sa tao. Masaya ang lahat na makatulong kami kahit wala nang selebrasyon,” paliwanag ni Ramirez.
Ipagdiriwang ng PSC family ang kanilang espesyal na araw sa pamamagitan ng isang banal na misa at simpleng awarding ceremony para kilalanin ang ‘loyalty’ sa serbisyo ng mga empleyado na umabot na sa kanilang 5th, 10th, 15th at 20th years sa gobyerno. May 16 opisyal at empleyado ang tatanggap ng recognition ngayong taon.
Ang paggagawad ng loyalty award ay alinsunod sa Civil Service Commission (CSC) Resolution No. 02-0295 na kumikilala sa tuloy-tuloy at kasiya-siyang serbisyo na ipinagkaloob sa pamahalaan ng mga opisyal at empleyado sa loob ng 10 taon.
“It is one way we can pay back these officials and employees who have been with us for decades. I am very thankful for your unconditional love for work and sacrifices for the agency,” dagdag ni Ramirez.
“As we look back at the 30 years of the PSC and give a nod of appreciation to these leaders who charted the course of our agency at one point in time,” paliwanag ng sports chief na tanging opisyal na pinamunuan ang ahensiya ng dalawang beses bilang chairman nito.
“The PSC has been relentless in strengthening its presence in the grassroots, following personal instructions from President Rodrigo Duterte to bring sports to the periphery and to involve the youth.”
Comments are closed.