MAY malakihang bawas sa presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) simula ngayong araw.
Sa pagtaya ng mga taga-industriya, papalo sa P10 hanggang P11 ang ibababa ng kada kilong presyo ng LPG, o aabot sa P110 hanggang P121 sa karaniwang tangke.
Ayon kay Jun Golingay, CEO ng South Pacific Inc. na isang LPG storage company, ang big time rollback ay dahil sa malaking pagbaba ng demand sa LPG sa gitna ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
“’Yung konsumo hindi lang dito sa Filipinas even in Asia ay talagang malaki ang ibinaba ng demand,” wika ni Golingay.
Nauna na ring nagpatupad ng malakihang bawas-presyo ang mga kompanya ng langis sa gasolina at diesel.
Comments are closed.