(Simula ngayong araw) ILANG KOMPANYA NG LANGIS MAY ROLLBACK

Langis

NAG-ABISO ang ilang kompanya ng langis tulad ng Petron Corp. kasabay ng Thailand-based PTT Philippines, ang sumunod sa pag-ro-rollback sa presyo ng petrolyo na sinimulan ng ibang aggressive oil firms nitong huling araw ng linggo.

Sa magkakahiwalay na pahayag, sinabi ng dalawang naturang kompanya na magro-rollback din sila ng presyo ng ga­solina ng PHP1.25 bawat litro, simula alas-6 ng umaga ngayong araw.

Inanunsiyo rin ng Petron ang PHP0.30 bawat litro na bawas sa kerosene.

Nauna na ang Seaoil na gumalaw nitong nakaraang linggo na bumaba ang presyo ng gasolina ng PHP1.25 bawat litro at kerosene ng PHP0.30 kada litro si­mula ika-12:01 ng uma­ga noong Linggo.

Sumunod naman ang Petrogazz na may kaparehong price adjustment na PHP1.25 kada litro simula ika-6 ng umaga kahapon.

Ilan pang kompanya ang inaasahang mag-aanunsiyo ng kaparehong price adjustments anumang oras ngayong araw at magpatupad ng kanilang sariling mga rollback ng walang pa­sabi.

Walang pagbabago sa presyo ng diesel ngayong linggo.

Sinabi ng oil executives na ang mga pagbabagong ito ay kasabay ng pagbaba ng trend ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado. PNA

Comments are closed.