MAKALIPAS ang pitong magkakasunod na linggo ng price hikes para sa diesel at kerosene ay magpapatupad ang mga kompanya ng langis ng rolbak sa presyo ng dalawang naturang produktong petrolyo simula ngayong araw.
Wala namang paggalaw sa presyo ng gasolina.Sa magkahiwalay na abiso, sinabi ng Pilipinas Shell Petroleum Corp. at Seaoil Philippines Inc. na tatapyasan nila ang presyo ng kada litro ng diesel ng P0.05, at kerosene ng P0.25.
Magpapatupad ang Petro Gazz ng kaparehong adjustments maliban sa kerosene na hindi nila ibinebenta.
Epektibo ang rolbak ngayong alas-6 ng umaga.
Sa pinakabagong datos mula sa Department of Energy (DOE), ang year-to-date adjustments ay may net decrease na P3.22 kada litro para sa lgasolina, P7.36 kada litro para sa diesel, atP10.59 kada litro para sa kerosene.
Comments are closed.