(Simula ngayong Martes)TAAS-PRESYO SA GASOLINA; DIESEL MAY ROLBAK

DIESEL

TATAAS ang presyo ng gasolina habang may rolbak sa diesel at kerosene simula ngayong Martes.

Sa magkahiwalay na abiso, sinabi ng Pilipinas Shell Petroleum Corp. at Seaoil Philippines Corp. na ang dagdag-presyo sa kada litro ng gasolina ay nasa P1.00, habang ang diesel ay may tapyas na P0.10 at kerosene ng P0.60.

Epektibo ang price adjustments sa alas-6 ng umaga.

Noong nakaraang Martes, Marso 7, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay tumaas ng P0.50, diesel ng P1.50, at kerosene ng P1.25.

Sa datos ng Department of Energy (DOE), hanggang Marso 7, 2023, ngayong taon, ang presyo ng gasolina ay tumaas na ng P5.70 kada litro, habang ang presyo ng diesel at kerosene ay bumaba ng P0.90 at P1.05 kada litro, ayon sa pagkakasunod.