(Simula sa Mayo 18) TAAS-SINGIL SA NLEX TOLL

TATAAS ang toll fees sa North Luzon Expressway (NLEX) simula sa Mayo 18.

Ayon sa NLEX Corporation, pinayagan na sila ng Toll Regulatory Board (TRB) na magpatupad ng  2-3% toll increase sa expressway.

Simula sa alas-12:01 ng umaga ng Mayo 18, ang mga motorista ay magbabayad ng karagdagang  ₱2 para sa Class 1 vehicles sa open system, kasama na rito ang VAT.

Ang  Class 2 at Class 3 vehicles ay may dagdag naman na ₱3 at ₱4, ayon sa pagkakasunod.

Para sa buong stretch ng NLEX, ang Class 1 vehicles ay magbabayad ng karagdagang ₱6.

“In summary, motorists traveling end-to-end between Metro Manila and Mabalacat City, Pampanga will be charged an additional ₱6, ₱14, and ₱16 respectively, depending on their vehicle class,” ayon sa NLEX Corp.

Ang open system, kung saan sinisingil ang flat rate per entry, ay kinabibilangan ng Quezon City, Caloocan City, Valenzuela City, Malabon City, Navotas City, Meycauayan City, at Marilao, Bulacan.

Samantala, ang closed system ay sa pagitan ng Bocaue sa Bulacan at ng Mabalacat City sa Pampanga.

Paliwanag ng kompanya, ang toll hike ay bahagi ng inaprubahang  periodic adjustments na nakatakda noong 2012 at 2014.”

“TRB and NLEX agreed to implement the increase on a staggered basis to cushion the impact of the adjustments,” dagdag nito. CNN PHILIPPINES

7 thoughts on “(Simula sa Mayo 18) TAAS-SINGIL SA NLEX TOLL”

Comments are closed.