(Simula sa Nob. 4) PUVs WALA NANG PLASTIC BARRIER

HINDI na kailangan ang plastic barrier na naghihiwalay sa mga pasahero sa public utility vehicles simula sa Nobyembre 4, ayon sa Department of Transportation (DOTr).

“Wala rin hong medical findings ‘yung aming pag-aaral na ito po ay makakapagpaiwas ho sa paghawa ng COVID-19 bagkus ay ito po ay maaaring kabitan ng virus because of the plastic material,” wika ni Transportation Assistant Secretary Mark Steven Pastor.

Matatandaang Hulyo 3, 2020 nang payagan ng pamahalaan ang pagbiyahe ng mga jeepney at mga bus ngunit inatasan ang mga driver na mag­lagay ng plastic barrier upang hindi magkadikit-dikit ang mga pasahero at sumunod sa 50% capacity rule sa public transport.

Simula rin sa Nobyembre  4, ang seating capacity na pinapagayagan sa PUVs ay itinaas sa 70%.

Sa kabila ng pag-aalis ng plastic dividers, binigyang-diin ng DOTr na mahigpit pa ring ipatutupad ang health safety measures sa PUVs.