MAY kabuuang 233,909 domestic workers o kasambahays sa Region IV-A o Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon) ang inaasahang makikinabang sa wage increase na inaprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB), ayon sa Department of Labor Employment (DOLE).
Sa isang statement noong Sabado, sinabi ng DOLE na nag-isyu ang RTWPB motu propio ng Calabarzon noong January 22 ng Wage Order No. RB-IVA-DW-04, na nagtataas sa monthly minimum wage ng mga kasambahay ng P1,000.
Dahil dito, ang bagong monthly minimum wage rates para sa domestic workers sa rehiyon, tinatayang 28% (65,408) sa mga ito ay nasa live-in arrangements, ay nasa P5,000 para sa mga bayan hanggang P6,000 para sa mga lungsod at first-class municipalities.
Ayon sa DOLE, ang wage order ay inilathala noong February 3 at magkakabisa makalipas ang 15 araw mula sa publication nito, o sa February 19.
“The increase considered the results of the consultation and public hearing, as well as the needs of domestic workers and their families, the employer’s capacity to pay, and the existing socio-economic conditions in the region,” ayon sa DOLE.
Ang huling wage order para sa domestic workers sa Calabarzon ay inilabas noong June 15, 2022, at nagkabisa noong July 16, 2022.