SINARAPAN, ANG PINAKAMALIIT NA ISDA SA BUONG MUNDO

ANG sinarapan o tab­yos (Misti­chthys luzonensis) ang pinakamaliit na isdang pangkalakalan na inaani, ay matatagpuan lamang sa Pilipinas.

Endemiko ito sa Bicol Region, partikular sa Lake Buhi, Lake Bato, Bicol Ri­ver at iba pang bahagi ng tubig sa lalawigan ng Camarines Sur.

Isang uri ng goby ang sinarapan at hindi sila gaanong nakikita kapag nasa tubig dahil sa sobrang liit, liban sa itim nilang mga mata. Ang karaniwang laki nila ay nasa 12.5 milimetro lamang ang haba. Mas maliit ang lalaking tabyos kaysa babae.

Sa ngayon, nanganganib ang sinarapan na maglaho dahil sa labis na pangingisda. Isinailalim na sila ng Department of Environment and Natural Resources na kabilang sa endangered species. – SHANIA KATRINA MARTIN