SINIGURO ni Philippine National Police Chief Maj. Gen. Debold Sinas na ipagpapatuloy lamang nito ang mga kasalukuyang programang nakalatag sa organisasyon.
Sa ambush interview sa Camp Crame, sinabi ng bagong upong PNP Chief na wala siyang babaguhing polisiya.
Aniya, ipagpapatuloy nito ang mga patakaran at pagbubutihan na lamang ang pagpapatupad nito.
Kabilang na dito, ang maigting na kampanya laban sa iligal na droga, krimen, terorismo at internal cleansing sa PNP.
Kasunod nito, umapela si Sinas ng suportahan ang mga pulis sa pagpapatupad sa kanilang tungkulin.
Inamin din ni Sinas na kaya gusto niya kantang “Voltes 5” dahil nagsasanib ang mga ito kaya dapat ay “mag-let’s bolt in” din ang PNP. REA SARMIENTO
Comments are closed.