MATAPOS ang limang buwang sunod na tapyas sa singil ng koryente, inanunsiyo ng Meralco na magkakaroon ng bahagyang pagtaas ng bill ngayong Oktubre ng P0.0448 (P4.48 centavos) per kilowatt hour o katumbas ng P9 para sa isang tipikal na sambahayan.
Bagamat bumaba ang halaga ng koryente sa spot market, bahagya namang tumaas ang transmission charge kaya’t liliit din ang halaga ng refund na ipinag-utos ng Energy Regulatory Commission (ERC).
Ang dagdag na singil ay katumbas ng P8.96 dagdag para sa mga kumokonsumo ng 200kWh kada buwan; P13.44 para sa mga kumokonsumo ng 300kWh kada buwan at P17.92 para sa mga may konsumong 400kWh kada buwan.
“The increase is due to a smaller Net Settlement Surplus (NSS) refund for October from the Wholesale Electricity Spot Market (WESM),” pahayag ng Meralco.
Ayon sa kompanya, ang WESM charges ay bumaba ng 52.90 centavos katumbas ng mas mabuting power supply situation sa Luzon grid, at kaunti na lamang ang power plants na sumasabog.
Kasalukuyang nagmimintina ang Meralco ng electric distribution systems sa mga siyudad ng Bulacan, Cavite, Metro Manila, at Rizal, at sa ilang siyudad, bayan, at barangay sa mga probinsiya ng Batangas, Laguna, Pampanga at Quezon.
Comments are closed.