SA PAGBABA ng singil ng Meralco sa koryente, magkakaroon naman ng dagdag-singil ang Maynilad at Manila Water sa tubig ngayong Enero.
Nag-anunsiyo kamakailan ang kompanya na may bawas na P0.34 kada kilowatt hour (kWh) ang singil sa bill sa Enero, na ka-tumbas ng P68 na bawas sa mga kabahayang kumokonsumo ng 200 kWh, P102 sa 300 kWh, P136 sa 400 kWh, at P170 sa 500 kWh.
Ipinaliwanag ng Meralco na may bawas sa singil ng mga planta ng koryente na maipapasa sa January bill ng mga konsyumer.
Malaking parte kasi ng suplay ng koryente ng Meralco ay galing sa mga planta ng natural gas na ang presyo ay batay sa world crude prices.
Pero nagpaalala ang Meralco na hindi siguradong magreresulta sa mababang singil sa koryente sa Pebrero ang pagbaba ng pre-syo ng petrolyo noong nakaraang taon.
“Magno-normalize na ‘yan sa February, rates will be higher, we just want you to be ready and some energy efficiency initia-tives,” sabi ni Joe Zaldarriaga, Meralco spokesperson, sa isang panayam.
Nasa P1.48 naman ang average na dagdag-singil sa mga kustomer ng Maynilad at papalo sa P0.64 kada cubic meter ang dag-dag-singil sa mga kostumer ng Manila Water.
Nauna nang inihirit ng grupong Laban Konsyumer sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System Regulatory Office (MWSS) na bawiin ang dagdag-singil dahil wala naman daw hearing tungkol dito.
Ayon kay Laban Konsyumer president Vic Dimagiba, idudulog nila sa husgado ang kaso kung sakaling “dedmahin” ang kanil-ang hinaing.
“Idudulog po natin ito sa husgado para magkaroon ng final decision kung tama o mali ang MWSS,” aniya.
Pero depensa ng MWSS na automatic ang naturang adjustment na puwedeng pababa o pataas kaya ‘di na kailangan ng pagdinig.
Comments are closed.