SINTANG DALISAY AT SARIMANOK

BUKAS, ika-6 ng Hulyo, ay magbubukas sa Hyundai Hall ng Areté, Ateneo de Manila University, ang “Sintang Dalisay”. Ito ay isang full-length Pinoy adaptation ng “Romeo and Juliet” ni William Shakespeare. Ang adaptation ay likha nina Ricardo G. Abad (direktor ng pagtatanghal noong 2011) at Guelan Varela-Luarca (direktor ng 2024 na palabas). Bahagi ito ng pagbibigay pugay sa yumaong beterano ng entablado na si Ricky Abad.

Bida rito ang mga karakter nina Rashiddin at Jamila, at lalong pinaganda ang walang kamatayang kuwento ng musika ng gamelan at kulintang o musikang neo-etniko, sa pangunguna ng grupong Anima Tierra at ilang miyembro ng Tanghalang Ateneo. Hatid ito sa publiko ng Tanghalang Ateneo, ang theater company ng Ateneo, at ng Areté, kung saan Artistic Director noon si Abad.

Maaaring makabili ng mga tiket sa go.ateneo.edu/SintangDalisay, o sa Ticket2Me (ticket2me.net/event/21833). Ang mga petsa ng palabas ay July 6-7, 12-14, at 18-20. Maaaring kontakin ang produksiyon sa [email protected] Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang Facebook page ng Tanghalang Ateneo (facebook.com/tanghalangateneo)

o0o

Sa darating na weekend, maaaring mag-enjoy ang mahihilig naman sa ballet sa palabas ng Philippine Ballet Theater sa CCP Samsung Performance Arts Theater sa ganap na 3:00 p.m. at 8:00 p.m. sa July 6, at 3:00 p.m. naman sa July 7. Ito ay ang “Sarimanok” sa ilalim ng choreography ni Ronilo Jaynario at orihinal na musika ni Paulo Zarate. Makakabili ng tiket sa pamamagitan ng [email protected] o sa 09688708887, o kaya naman ay sa Ticketworld.