SISIYASATIN ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang ginawang paggugol ng gobyerno sa bilyon-bilyong pisong pondo para sa COVID-19 pandemic response.
Binigyang-diin ni House Speaker Lord Allan Velasco na may oversight powers ang Kamara para silipin ang paggastos ng mga ahensiya ng gobyerno.
Ayon kay Velasco, lahat ng budget na ipinapasa ng Kamara ay kailangang malaman kung nagagastos nang wasto sa mga tamang proyekto at programa.
Nakatitiyak ang Speaker na magsasagawa ng serye ng mga pagdinig ang Kamara para pagpaliwanagin ang mga opisyal kung paano at saan ginastos ang COVID-19 response fund.
Hindi naman binanggit ng Speaker kung kailan isasagawa ang congressional hearing.
Batay sa mga dokumento ng Department of Budget and Management (DBM), may P168.7 billion na pondo pa-ra sa pandemic response ang hindi pa rin nagagamit ng iba’t ibang ahensiya. CONDE BATAC
964167 166955Thank you for your very very good information and respond to you. san jose car dealers 81997
984962 93761I enjoyed reading this a lot I really hope to read more of your posts within the future, so Ive bookmarked your weblog. But I couldnt just bookmark it, oh no.. When I see quality websites like this one, I like to share it with other people So Ive designed a backlink to your site (from 77595