SISIMULAN na sa Miyerkoles, Agosto 11, ang pamimigay ng cash aid sa low-income households sa National Capital Region (NCR) na naapektuhan ng enhanced community quarantine (ECQ), ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG).
Sinabi ni DILG spokesperson Undersecretary Jonathan Malaya na nagkasundo ang mga Metro Manila mayor na sabay-sabay nilang simulan ang pamamahagi ng ayuda sa naturang petsa.
“Nag-meeting po kami ng mga mayors the other night para nga paplantsahin ‘yung ating proseso ng pamimigay ng ayuda at nagkasundo po sila na sabay-sabay silang magsisimula sa Miyerkoles,” ani Malaya.
Sa harap ng banta ng COVID-19 ay ipapaskil ng mga alkalde ang listahan ng mga benepisyaryo at ang iskedyul ng pagkuha nila ng ayuda.
Ayon kay Malaya, tinatayang nasa 11 milyong residente sa Metro Manila ang makatatanggap ng cash aid na nagka-kahalagang P1,000 kada indibidwal o hanggang P4,000 kada pamilya.
108182 279942Thanks for this fantastic post! It has long been extremely helpful. I wish that you will carry on posting your wisdom with us. 152470
459315 138645I like the valuable data you give in your articles. Ill bookmark your weblog and check again here regularly. Im quite certain Ill learn a lot of new stuff proper here! Best of luck for the next! 173618