SISTER Fox is not yet off the hook.
Ito ang pagtiyak ni Presidential Spokesman Harry Roque makaraang magpasya si Justice Secretary Amenardo Guevarra na ideklarang null and void ang kautusan ng Bureau of Immigration (BI) na nagpapawalang bisa sa missionary visa ng Australian missionary na si Sister Patricia Fox.
Iginiit ni Roque na malinaw sa desisyon ng DOJ na walang kapangyarihan ang BI na ipawalang bisa ang missionary visa ni Fox at ang desisyong ito ay hindi rin naman makaaapekto sa deportation proceedings na posibleng kaharapin ni Fox.
“The deportation proceedings are still pending, that’s why the decision of Justice Secretary Guevarra, this is without prejudice on the decision of the CID on the deportation proceedings,” wika ni Roque.
Nakasaad sa desisyon ni Guevarra na ang visa forfeiture ay hindi saklaw ng Omnibus Rules of Procedure 2015 ng BI kung kaya’t kailangang su-mailalim sa tamang disposition ang nabanggit na kaso ni Fox.
Dahil sa kautusang ito ng DOJ ay muling pagkakalooban ng visa si Fox at inactivate ang kanyang ACR I-Card at malayang manatili sa bansa at ipagpatuloy ang kanyang missionary work habang dinidinig ang deportation charge laban sa madre.
Kinansela ng BI ang missionary visa ni Fox dahil sa umano’y pagsali at partisipasyon niya sa mga kilos-protesta laban sa gobyerno. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.