MATAPOS ang ilang buwang usapin tungkol sa pagpapa-deport, iminungkahi ni Justice Secretary Menardo Guevarra kay Australian missionary Sister Patricia Fox na mag-apply na muna ng tourist visa habang dinidinig ng DOJ ang kanyang apela.
Sinabi ni Guevarra, sakali mang hindi pagbigyan ng DOJ ang kanyang apela, maaari pa ring iakyat ni Sister Fox sa Office of the President ang isyu hanggang sa makarating sa Court of Appeals (CA) at Korte Suprema.
Umapela sa DOJ ang Australian missionary na hayaan na muna siyang manatili sa bansa.
Mapapaso na sa Miyerkoles ang missionary visa ni Sister Fox.
Tiniyak pa ng kampo ng madre na gagawin nila ang lahat ng legal na pamamaraan para mabaligtad ang deportation kay Sister Fox ng Bureau of Immigration (BI).
Comments are closed.