SITG IKINASA NG PNP SA PINATAY NA EX-VICE MAYOR AT KAPITAN

Baril

BULACAN  – BUMUO na ng Special Investigation Task Group na pinamumunuan ni Acting PNP Provincial Director P/Col. Emma Libunao, kasama ang Criminal Investigation and Detection Group, Provincial Intelligence Branch, at iba pang law enforcement.

Matapos mapatay ng riding criminal sina incumbent Brgy. Chairman Mauro Capistrano, 56-anyos, ng Brgy, Bagbaguin Pandi, habang napatay rin si Ex-Pandi Vice Mayor Oscar Marquez, 54-anyos, residente ng Brgy. Manatal.

Alas-11:00 ng umaga nang pagbabarilin ang mga biktima sa isang restaurant sa Brgy, Bulihan, Plaridel sa nabanggit na bayan.

Nabatid na isa sa dalawang suspek na naka­suot ng face mask ang bumaril sa mga biktima.

Sumunod na hinabol ng mga suspek si Marquez sa Baypass Road kung saan inabutan ito sa bakanteng lote at saka binaril. THONY ARCENAL

Comments are closed.