Gayunman, sinabi ni Asosasyon ng Panaderong Pilipino president Lucito Chavez na magiging mas maliit na ang mga nabibiling pandesal sa ilang panaderya.
Sa panayam sa TeleRadyo, ipinaliwanag ni Chavez na ang hakbang ay dahil hindi kakayanin ng komunidad ang taas-presyo.
Aniya, sinubukan ng mga community baker na itaas sa P3 hanggang P4 ang presyo ng pandesal, pero hindi ito nabebenta.
“Karamihan, hindi naman po lahat, ay ibinalik sa dati ang presyo pero pinaliit ito,” sabi ni Chavez.
Sa kasalukuyan, ang presyo ng pandesal ay nasa P2.50 hanggang P4, depende sa laki nito.
Kabilang sa sangkap ng pandesal ang asukal at harina na nananatiling mataas ang presyo.