SK COUNCILOR, NAVY PERSONNEL AT 3 PA NADALE SA AKSIDENTE

aksidente

BATANGAS – LIMA katao ang nasawi sa vehicular accident sa bayan ng San Juan.

Ayon sa San Juan Batangas Police, alas-2:30 ng madaling-araw kahapon nang magkasalpukan ang isang kotse at tricycle sa bahagi ng Barangay Aplaya.

Nabatid na 10 ang sakay ng tricycle habang 5 naman ang sakay ng kotse.

Kinilala ang nasawi na sina  Reynald Gamil, 20-anyos, SK councilor (P1); John Eric Gamil, 17, estudyante; Kim Zaigan Gamil, 7 taong gulang; Borito Santos, 44,  reflexologist (P7); at John Kelly Villanueva, 23-anyos na kasapi ng Philippine Navy.

Habang sugatan naman sina Levy Gamil y Cantos, 49, driver;  Maximo Gamil, 53, Vergilio Gamil, 50, Benilda Gamil Fraina, 41, at tatlong iba pa na kinilalang sina Christian Delacion y Cuerdo, 26, call center agent; John ­Michael Rivera, 20, na kasalukuyang ginagamot sa Batangas Medical.

Bukod sa limang nasawi, lima pa ang nasugatan na dinala na agad sa pagamutan. VERLIN RUIZ

Comments are closed.