SK FEDERATION CHAIRMAN NAAKSIDENTE

Mark Paulo Manaysay

BULACAN – DEAD on the spot ang Sangguniang Kabataan Federation chairman makaraang maaksidente habang lulan ng kanyang kotse kahapon ng alas-3:43 ng madaling araw sa Brgy, Sto. Niño Plaridel.

Sa ulat ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office kinilala ni Chief Liz Mungcal ang biktimang si Mark Paulo Manaysay, 24-anyos, ng Brgy, Lugam Malolos City.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga halos mabiyak ang mukha ng biktima.

Nabatid na galing umano sa isang okasyon si Manaysay at papauwi na ng bahay ng maganap ang trahedya.

Samantala  nag-alay naman ng kandila ang mga Sk chairman ng Malolos sa pinangyarihan ng trahedya habang  patuloy ang imbestigasyon. THONY ARCENAL

Comments are closed.