KALAT na kalat na sa apat na sulok ng Big Dome ang pag-trade kay Greg Slaughter ng Brgy. Ginebra. Gaano kaya ito ka totoo? Noong kumalat ang balita na may malaking trade na magaganap sa pagitan ng Ginebra at ng dalawang teams ay ilang linggo lamang ang lumipas ay nagkatotoo ito sa pamamagitan nina Kevin Ferrer, JC Cruz at Sol Mercado, na umikot muna sa TNT KaTropa at NLEX Road Warrirors, subalit ang ending ay napunta ang tatlo sa NortPort Batang Pier.
Ngayon naman ang pinag-uusapan ay si Slaughter. Saan nga ba ito mapupunta? Hindi puwedeng direkta sa sister team at siguradong iikot muna ang player bago mapunta sa kinauukulan. Pero tsika namin, posibleng mapunta siya sa TNT o Magnolia na puwedeng ipamigay si Aldrech Ramos Abangan na lamang natin ang mangyayari.
oOo
Usap-usapan din ang trade sa kampo naman ng Alaska Aces. ‘Deny to death’ ang management, ngunit kung walang usok ay hindi lalabas ang apoy. How true na iti-trade nila itong si Ping Exciminiano? At dahil nabanggit namin ito kay Mr. Ronald Dulatre, sinabi nito na ang tulad ni Exciminiano ang gustong player ni coach Yeng Guiao. Posibleng offeran ng Road Warriors ang Aces upang makuha nila ang dating FEU Tamaraws player.
Tapos na umano ang kontrata ni rookie Davon Potts sa Alaska. Hindi na ito ni-renew ng management, bakit kaya? Mahusay naman ang player, problema kasi ay marami siyang ka-position kaya bihira rin siya gamitin ni coach Alex Compton. Ang bilis naman ng career ni Potts sa PBA. ‘Di bale may MPBL naman.
oOo
Ano ba ‘yan, hanggang ngayon ay ‘di pa nakapag-uuwi uwi ng panalo ang Soccsksargen Marlin Armor On sa MPBLAno kaya ang kulang sa players ni coach BIboy Simon. Full suppoort naman ang management sa kanila even ang major sponsors nila. Anyway, kaunting tiyaga lang,coach Simon, team owner Norm Conti, Henry Serrano at Mr. Kevin Espinosa. Laban lang, siguradong mananalo rin kayo.
oOo
Handang-handa na ang Philippine Arena para sa pagdaraos ng Southeast Asian Games sa Disyembre. Sa unang pagkakataon ay ngayon lamang gaganapin ang pagbibukas ng SEA Games indoor at dito pa sa ating bansa na gagamitin ang pinakamalaking Arena sa buong mundo kung saan ang seating capacity ay nasa 55,000 kaya siguradong kasyang-kasya ang lahat ng delegation. Ang Philippine Arena ay pagmamay-ari ng IGLESIA NI CRISTO. Upang lalo pang mapadali ang pagpunta ng mga tao, at ng mga delegasyon ng 11-member countries ay magbubukas na ang daan mulw sa Mc Arthur Highway kung saan ang labas ay sa may Villa Zaragosa to Ciudad de Victoria, Philippine Arena.
Comments are closed.