NA-SHOCK ang lahat sa anunsiyo ni Greg Slaughter sa kanyang Instagram kamakailan na magpapahinga muna siya. Almost six years na ring siyang naglalaro sa kampo ng Barangay Ginebra pagkatapos na ma-draft siya noong 2013. May apat na titulo na si Slaughter sa Gin Kings, kasama na rito ang 2019 Governors’ Cup. Walang masabi si coach Tim Cone sa announcement ng Cebuanong player.
Ayon kay Cone, kakausapin nila si Slaughter at ang agent nitong si Charlie Dy na kasalukuyang abala sa ALAB basketball tournament sa ibang bansa. Ang dahilan kaya ng pagbabakasyon ni Slaughter ay ang ugong-ugong na iti-trade siya sa NorthPort Batang Pier kapalit ni Christian Standhar-dinger? Matagal na itong rumor, halos dalawang conference na itong pinag-uusapan. Pero ang balita ay posibleng mapunta si Greg sa Magnolia Hot-shots.
“Six years, four championships, a lifetime of experiences and memories. It’s been a fun ride being with this team. I will forever be proud to have played for Ginebra, a dream of mine that came true when they drafted me in 2013,” wika ni Slaughter sa kanyang Instagram account.
Sana mahilot pa ang player. Sayang naman ang husay niya. Good luck!
oOo
Patuloy ang pag-ariba ng San Juan Knights sa Maharlika PIlipinas Basketball League kung saan tinalo nila noong Sabado ang Mindoro Jac Liner, 114-68. Ang San Juan Knights ang top seed sa North Division ng liga na naglaro sa Bahay ng Pag-Asa Gym sa Valenzuela City. Si John Wilson ang nangunan sa team na gumawa ng 16 points, 6 rebounds at 6 assists. Ang Knights ay may record na 24 – 6.
Ayon kay coach Randy Alcantara, head coach ng team, hindi lamang sila tumitingin sa standing ng team nila.
“Ginagawa lang namin ‘yung sistema namin kaya kami nandito sa number one spot,” aniy.
Sa ganda ng pamamalakad ng coaching staff at ng management ay inspiradong magsipaglaro ang mga player ni coach Alcantara.
oOo
Goodbye na rin kay Yancy de Ocampo na magre-retire na sa paglalaro. Matagal-tagal na rin namang naglalaro si Yancy sa PBA. Nauna siya sa nakababatang kapatid na si Ranidel. Ilang teams din sa PBA ang pinaglaruan niya. Nalulungkot si Ranidel sa pagpapaalam ng kanyang kuya sa professional league subalit mananatili , aniya, ito na kanyang idol. Ang huling team ni De Ocampo ay ang San Miguel Beer.
oOo
PAHABOL: Nagpapasalamat po kami sa aming mahal na Mayor Joni Villanueva ng Bocaue, Bulakan na tinugunan ang aming kahilingan na maging regular ang paghakot ng basura sa Villa Zaragosa, Brgy. Turo, Bocaue, Bulakan. Noong Disyembre ay namroblema ang mga naninirahan dito dahil sa gabundok na ang hindi nakokolektang basura. Buti na lang ay nabanggit namin Ito kay ex- Mayor Jon Villanueva na tinugunan naman agad ni Mayor Joni. Salamat po, Mayor Joni, at araw-araw na pong naghahakot ng basura sa lugar namin.
MABUHAY PO KAYO!