SM TEC-VOC SCHOLARS NAGTIPON SA MOA

SM FOUNDATION

DUMALO sa isang general assembly ang 700 technical-vocational (tecvoc) scholars ng SM Foundation na inayos para sa kanila ng Foundation at the Center Stage Cinema of the Mall of Asia.

Nanggaling sila sa iba’t ibang kasaling eskuwelahan ng 11-taong tecvoc program ng SM Foundation at nakinig sa mga talumpati nina Jose Sio, chairman ng SM Investment Corp. at president ng SM Foundation Inc. at Harley Sy, Executive Director ng SMIC kasama sina Debbie Pe-Sy, Executive Director of SM Foundation.

SM FOUNDATIONBago nagsimula ang programa, nagporma sila ng isang higanteng human logo ng SM habang sumasayaw sila at umaawit ng opisyal na awitin ng SM sa may driveway area sa harap ng MOA at ang mga salitang “thank you, SM.”

Apat sa mga scholar ang nagbigay ng emosyunal na testimonya kung paano sila nailigtas ng SM Foundation scholarship sa kawalan ng pag-asa dahil sa kahirapan at iba pang mga sagabal at kung paano ang scholarship nila ay nakapagpabago ng buhay nila pagdating sa kakayahan at ang moral values— isang pangunahing parte ng kanilang tecvoc curriculum. Sila ay sina Faith Garcia ng Nasugbu, Batangas na kumukuha ng hotel restaurant resorts services; Anthonly Andales, mula Laguna na kumukuha ang mechatronics mula Dualtech, Leimahr de Leon ng  Sisters of Mary Boystown at isang video testimony mula kay Gaddie Accedillo ng Don Bosco TVET Center sa Makati.

MAS MABUTING PAGKAKATAON

Sinabi ni SMIC chairman Sio sa mga estud­yante na sa 105 million Filipino, mababa pa sa 5 percent ay tecvoc graduate. May 5 porsiyento ang college students ng populasyon, pero, 80 percent sa kanila ay nag-drop out sa college. Pero ang 95 percent ng 2 hanggang  3 million ng tecvoc na mga estudyante ay nakaka-graduate at 70 porsiyento sa kanila ay nakakakita ng trabaho habang ang karamihan sa mga nasa kolehiyo ay hirap na makahanap ng mapapasukan.

“SM Foundation provided you the tools to take up tecvoc courses and improve your chances of employment. But in the end, how you make use of the tools will spell your success”, sabi ni Sio.

Sinabi ni Sio na ang  SM Foundation ay 35 taon na ngayon at nakapagprodyus na ng 4,000 scholars na naka-graduate ng college, karamihan sa kanila ay may Latin honors o bilang dean’s listers.

Ibinahagi rin niya sa lahat ang kanyang mga natutunan sa buhay:  a) tiwala sa sarili sa ang­king abilidad at gawing mapagkakatiwalaan; b) magkaroon ng ng pananaw kung ano ang gustong maging mula sa 5 hanggang 10 taon mula ngayon; c) walang kapalit ang masipag sa trabaho at pagpupunyagi; d) dapat magkaroon ng focus at tumupad sa pangako; e) maging maabilidad at f) magkaroon ng ambis­yon—lalo na ang malalaki at maging handa at ma­ging matatag para harapin ang ambisyon na iyon.

FORUM WITH HARLEY

Nagbigay rin ng kanyang mensahe si Harley Sy sa mga iskolar at ibinahagi sa kanila ang halaga ng “pag-iipon ng malaking parte ng kanila kita sa unang taon ng kanilang trabaho para mas makapag-aral pa o makapagtayo ng sariling negosyo o ibang inisya­tibo para sa pagpapabago ng sarili at magkaroon ng financial independence.”

“There’s nothing wrong with being selfish if you have higher goals for the future. But make sure not to spend needlessly,” pahayag niya at pagbibigay ng ehemplo ng kanyang sarili na hindi siya bumibili ng mga mamahaling bagay at gumagamit pa rin ng “Nokia phone at Swatch (mula sa hindi mamamahaling gamit hanggang sa slightly upgraded version) na relo hanggang ngayon.”

Namangha ang mga estudyante sa kanyang binitiwang salita sa kabila ng kanyang katayuan sa buhay (bilang anak ng founder ng SM conglomerate) at humingi ng payo tungkol sa buhay.

Comments are closed.