SMB REVAMP: MATATANDANG PLAYERS PAKAKAWALAN NA?

on the spot- pilipino mirror

TOTAL revamp umano ang gagawin ng kampo ng San Miguel Beer pagkatapos na masibak ito sa PBA bubble.

Limang taon ding naghari ang Beermen sa All-Filipino conference.  Tsika ng On the Spot, papalitan na  ang mga player ng team na may edad na at pawang mga batang-bata ang kukunin para  muling lumakas ang lineup ng matandang team sa liga.

Sino na lang nga ba ang bata sa SMB na halos lahat, ang edad ay nasa 30 plus na. Isa na rito si Arwind Santos na 39-anyon na bagaman nakakatulong pa ito sa team sa kanyang angking galing sa shooting at depensa

Subalit aminin man o hindi ng player, ang katotohanan ay napag-iiwanan siya ng mga mas bata sa kanya pagdating sa takbuhan. Sina Terrence Romeo, Marcio Lassiter, Chris Ross at June Mar Fajardo ang puwede pang pakinabangan ng RSA franchise. Ang iba ay palitan na, at kailangan ay total revamp talaga ang gawin ni coach Leo Austria sa kanyang koponan.

o0o

Nangunguna sa MVP race itong si Fil-Canadian Matthew Wright kung saan no. 1 siya sa statistical points  pagkatapos ng elimination round. Ang mga mahigpit niyang kalaban na tulad nina CJ Perez at MoTautuaa ay kapwa laglag na sa bubble. Ang tanging kalaban niya ay ang kanyang teammatena si Jason Perkins

Deserving naman ni Wright  sakaling tanghalin siyang MVP. Malaking bagay ang Ibinibigay niya sa Phoenix  lalo na ngayon pasok sila sa semifinals na ang kalaban nila ay ang TNT Tropang Giga. Ang problema lang sa kanya ay medyo bawas- bawasan niya ang pagiging suplado niya. Dapat ay marunong siyang ngumiti, lalo na kung nakakasalubong niya ang mga taga-media. Hindi niya puwedeng  ikatuwiran na hindi niya kilala ang mga sportswriter na laging nagko-cover ng PBA. Kahit hindi sportswriter, sinuman ang makasalubong niya, kapag binati siya ay dapat pansinin ni Matthew. Saka dapat kahit talo ang team niya, magpa-interview pa rin siya.

o0o

Halatang  masama  ang loob ni Kelly Nabong sa PBA dahil pinagmulta siya ng P5k sa nangyari sa kanila ni Arwind Santos ng SMB. Hindi sinasadyang naitulak ni Nabong si Santos noong mag-rebound ang huli. Muli na namang nagkainitan ang dalawa para manariwa ang dating alitan nila na naganap noong nasa SMB pa siya. Sa huling nangyari ay hindi na siya hiningan ng paliwanag ni PBA kume Willie Marcial. Pinagmulta siya habang si Santos ay tinawagan lamang ng F1.

Hindi naman natin masisisi ang PBA kung bakit multa agad  si  Nabong . Kasi ay nasa katauhan na nito ang pagiging basagulero  sa loob ng court..

Comments are closed.