(Ni CT SARIGUMBA)
RICE meal, iyan ang isa sa paborito ng marami sa atin. Matatawag nga namang all-in-one ang rice meal dahil sa mayroon na itong sangkap na kanin, karne at gulay. Malasa rin ito kaya’t binabalik-balikan ng maraming customer.
Sa bawat restaurant—malaki man o may kaliitan—ay may ipinagmamalaking rice meal na talagang pasok sa panlasa ng kahit na sino. Bukod sa nakabubusog, swak na swak din ito sa bulsa.
Iba’t ibang klase ng rice meal ang maaari nating pagpilian gaya ng Pork or Beef Fried Rice. Isa ang recipe na ito sa binabalik-balikan ng bawat customer dahil sa angking-sarap nito na abot-kaya lamang din sa bulsa.
Bukod nga naman sa lasa, siyempre, kailangang pasok sa budget ang putehe o pagkaing ating kahihili-gan.
Kung swak ang pork o beef fried rice, hindi rin naman magpapahuli ang shrimp, tinapa, bangus o ba-goong fried rice. Ilan din ito sa mga paborito ng Pinoy lalo na sa mga handaan at kahit na sa simpleng kainan lamang.
Maliban nga naman sa mga nabanggit, isa pa sa maaaring tikman ay ang Smoked Sausage Rice Meal. Hindi lamang din ito sa restaurant matitikman kundi maaari rin itong lutuin sa bahay lang.
Kung mahilig ka nga namang magluto ay bakit hindi mo subukan ang paggawa ng Smoked Sausage Rice Meal. Tiyak na maiibigan ito ng iyong pamilya.
Sobrang dali lamang din nitong lutuin kaya’t kahit na late kang nagising o nagmamadali ka, may maiha-handa ka pa rin sa iyong buong pamilya.
Ang mga sangkap na kakailanganin sa paggawa nito ay ang olive oil o kahit na anong klase ng mantikang ginagamit ninyo sa pagluluto, 1 kutsarang butter, smoked sausage (hiwain ng maliliit at maninipis), rice o kanin, garlic powder, asin at paminta, cheese at broccoli.
Mas magiging masarap kasi ang nasabing pagkain kapag sinamahan ito ng broccoli. Sa mga hindi naman nahihilig sa broccoli, swak din namang ilagay ang kangkong lalo pa’t marami nito sa mga pamilihan at kayang-kaya lang din ito sa bulsa.
Paraan ng pagluluto:
Matapos na maihanda ang mga kakailanganing sangkap ay magsalang na ng lutuan, painitin ito saka lagyan ng mantika o olive oil. Isama na rin ang butter saka ilagay ang smoked sausage. Ang butter at olive oil ang magbabalanse ng lasa nito. Mas masarap din kasi kung maglalagay ng butter sa fried rice. Pero maaari rin naman itong alisin o tanggalin kung hindi n’yo trip maglagay ng butter.
Kapag naging brown na ang kulay ng sausage at humalo na sa hangin ang amoy nito, ilagay na ang broc-coli na hiniwa-hiwa ng tama lang sa laki. Takpan ito. Makalipas ang limang minuto, hinaan na ang apoy. Haluin ito.
Ang susunod na hakbang ay ang paglalagay ng kanin, garlic powder at sibuyas. Haluing mabuti.
Bago i-serve o ihanda sa pamilya, lagyan ito ng shredded cheese.
Simple lang, napakasarap pa.
Isa nga naman ang Rice Meal sa gustong-gustong kahiligan ng marami sa atin dahil sa iba’t ibang sahog na nagbibigay ng kakaibang lasa.
Pero hindi lamang sa restaurant o sa labas natin matitikman ang rice meal dahil sa bahay lang, makapa-ghahanda ka nito.
Subukan na nang matikman ang kakaibang sarap nito!
Comments are closed.