SMUGGLED NA BIGAS ILABAS NA

Carlos Dominguez III

INATASAN ni Finance Secretary Carlos Dominguez III ang Bureau of Customs na ipalabas na ang mga nakumpiskang bigas at iba pang food items sa Department of Social Wel­fare and Development para sa disaster relief preparations na may kaugnayan sa bagyong Ompong sa Northern Luzon at iba pang lugar.

“Please release all seized rice and foodstuff in your possession to the DSWD for possible disaster relief,” atas ni Dominguez kay BOC Commissioner Isidro Lapeña.

Ayon sa DOF, ang direktiba ay bilang pagtalima sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa lahat ng ahensiya ng gobyerno na tiyakin ang pimakamataas na antas ng kahandaan para sa bagyo.

“Government-to-government transfers in emergency situations can be legally fast-tracked,” anang Finance chief.

Si ‘Ompong’ ay ina­asahang mananalasa sa northern province ng Cagayan ngayong araw ay magdadala ng malalakas na pag-ulan sa loob ng 900-kilometer radius nito.

Iniulat ni Lapeña sa DOF na nakasamsam ang bureau sa July shipments ng  50,000 sako ng bigas na nagkakahalaga ng P125 million sa may 100 container vans sa Manila International Container Port (MICP).

“The shipment from Thailand was consigned to the Sta. Rosa Farm Products Corp., but without the necessary import permits,” wika ni Lapeña.

“Goods that are up for disposal under the BPC may be donated to another government agency or declared for official use by the Bureau, after approval of the Secretary of Finance, or sold at a public auction within 30 days after a 10-day notice posted at a public place at the port where the goods are located and published electronically or in a newspaper of general circulation,” nakasaad sa Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

Itinatakda rin ng batas na ang mga produkto na angkop para sa shelter, food items, clothing materials at medicines ay maaaring i-donate sa DSWD.

Comments are closed.