SMUGGLING NG SUBSTANDARD NA BAKAL

BAKAL

PINAIIMBESTIGAHAN sa House Committee on Trade and Industry ang patuloy na pagpupuslit ng substandard na bakal sa bansa.

Sa kanyang inihaing House Resolution 379, pinasisilip ni Agusan del Norte Rep. Lawrence Fortun ang patuloy na pagpasok ng mga substandard construction material.

Ikinababahala ng mambabatas na nakalulusot ang mga substandard construction material sa bansa na maaaring nagagamit sa ilang mga proyektong pang-imprastraktura ng pamahalaan.

Aniya, malaking banta ito sa buhay at sa mga ari-arian, gayundin sa integridad ng ‘Build Build Build’ program ng pamahalaan.

Natuklasan na pinapalitan ng mga local steel manufacturer ang micro-alloyed steel bars ng quenched-tempered steel bars na ipinagbabawal sa mga earthquake-prone area tulad ng China, Taiwan, Japan, New Zealand, Canada at US dahil sa mababang kali-dada nito.

Ang quenched-tempered steel bars din ang uri ng bakal na ginamit sa gumuhong Chuzon Market sa Porac, Pampanga matapos ang malakas na lindol noong nakaraang Abril 22.                             CONDE BATAC

Comments are closed.