SOGIE BILL MALABO SA SENADO

Sotto

MALABONG makalusot sa Senado ang isinusulong na panukalang Sexual Orientation and Gender Identification and Expression (SOGIE).

Ito ay makaraang i­latag ni Senate President Vicente Sotto III ang mga rason para ibasura ang SOGIE bill.

Ayon kay Sotto, dahil isang uri ng class legislation ang SOGIE bill na yumuyurak sa karapatan ng kababaihan at maging sa kalayaan sa relihiyon at pag-aaral o religious and academic freedom.

Tinukoy pa nito na pabor lamang ang natu­rang panukala sa hanay ng LGBTQ+ na alinsunod na rin sa nilalalaman ng SOGIE bill ay tiyak na marami ang kokontra.

Ani Sotto, gaya na lamang ng naging pahayag ni Senadora Nancy Binay sa pagdinig ng Senate Committee on Women  kahapon  na kung saan ay maliwanag naman sa Saligang Batas ang pagbibigay ng proteksiyon sa karapatan ng bawat isa lalo na sa mga kababaihan.

Tinukoy ni Binay, mas marapat lamang na ito ang ipatupad ‘yung  hindi pumapabor lamang sa iisang sektor.

Kung ang panukala naman ni Senador Juan Edgardo Angara ang pagbabasehan, sinabi ni Sotto na mas may pag-asa pa itong lumusot dahil saklaw nito ang usa­pin ng diskriminasyon sa pangkalahatan at hindi lamang sa iisang sektor ng lipunan tulad nang isinasaad ng SOGIE bill. VICKY CERVALES

Comments are closed.