UMABOT sa humigit kumulang PHP 338,300 na halaga ng peke at ilegal na produkto ng liquefied petroleum gas (LPG), ang nakumpiska ng Solane LPG, isa sa mga pinagkakatiwalaang produkto ng LPG sa bansa, sa unang anim na buwan ng taon bilang parte ng layunin nitong sugpuin ang mga pinagmumulan ng ipinagbabawal na LPG.
Simula nitong taon, nakipag-ugnayan ang Solane LPG sa mga awtoridad sa pagsagawa ng sampung raid sa iba’t ibang bahagi ng bansa, kung saan 199 na basyo at illegally refilled na tangke ng Solane LPG ang nasamsam.
Ayon sa Bureau of Fire Protection, umabot na sa 3,991 na insidente ng sunog ang naitala sa bansa simula nitong taon hanggang buwan ng Abril, kung saan ang ilan sa mga ito ay sunog na may kaugnayan sa LPG. Bagama’t mas mababa ang bilang ng mga naitalang sunog ngayong taon kumpara sa kaparehang mga buwan noong nakaraang taon, tumaas naman ang bilang ng mga nasawi at nasugatan, pati na rin ang halaga ng mga ari-arian na natupok sa mga sunog. Marami rin sa mga naitalang sunog ay nangyari sa mga residential areas at maliliit na pamayanan.
Nitong Hunyo, nakumpiska ng Solane LPG ang 13 na may laman at apat na basyong tangke ng sa magkahiwalay na raid sa Lingayen at Dagupan City sa Pangasinan, na nagkakahalaga ng PHP 28,900. Dalawang indibidwal ang arestado sa paglabag sa RA 8293 (Intellectual Property Code of the Philippines). Dinala ang mga arestado at mga nakumpiskang ebidensya sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng kanya kanyang lokal na pamahalaan para sa dokumentasyon at paghahanda sa pagsampa ng kaso sa korte.
Nagsagawa rin ang Solane LPG ng mga raid operations sa Metro Manila, Nueva Ecija, Ifugao at Cagayan sa unang kalahati ng taon. PHP 1.5 million na halaga ng mga tangke ng LPG, selyo at parapernalya, kabilang na ang 52 na may laman at 26 na basyong tangke ng LPG na nagkakahalaga ng PHP 132,600 ang nakumpiska ng Philippine National Police CIDG sa Cagayan.
Sa kabuuan ng nakaraang taon, nasamsam ng Solane LPG ang 418 na illegally refilled at pekeng tangke ng LPG at mga parapernalya na nagkakahalaga ng PHP 668,800.
Solane pinaigting ang pagsuporta sa ikalawang taon ng LPG Law
Sa papalapit na ikalawang taon ng implementasyon ng RA 11592 – LPG Industry Regulation Act (LIRA), o LPG Law, muling pinagtibay ng Solane LPG ang suporta rito sa pamamagitan ng tuluy-tuloy na aksyon laban sa mga iligal na nagbebenta ng LPG at epektibong pagpapalaganap ng impormasyon.
Nilagdaan noong Oktubre 2021, ang LPG Law ay naglalayong protektahan ang mga konsyumer ng LPG laban sa mga maling gawain sa industriya ng LPG, kabilang na ang bentahe ng iligal at depektibong mga tangke ng LPG na kadalasan ay tumatagas at nagiging sanhi ng pagsabog at malalaking sunog. Kaugnay nito, nagbigay ang Department of Energy ng hanggang ikapito ng Hulyo sa mga nagbebenta, at nagrerefill ng LPG para kumuha ng sertipiko at magrehistro para makapagpatuloy ng operasyon sa ilalim ng LPG Law.
Kasabay ng pagkilos ng gobyerno para alisin ang mga produkto ng LPG na hindi sumusunod sa batas, patuloy rin ang pakikipagtulungan ng Solane LPG sa mga awtoridad para pigilan ang iligal na pagrerefill at suplay ng depektibong LPG sa mismong suplayer ng mga ito, sa pamamagitan ng raid operations.
Muling hinikayat ng Solane LPG ang mga konsyumer na i-check ang kanilang mg LPG cylinders. Sa ilalim ng naisabatas na LPG Law, ang mga tangke ng LPG na walang tatak o trademark, kabilang ang mga tangkeng may sira o hindi mabasang mga sulat ay maituturing na iligal. Ang mga tangkeng kinakalawang naman, may ukab o butas ay itinuturing ding iligal.
Upang masigurong legal at awtorisado ang mga tangke ng LPG, muling pinaalalahanan ang mga konsyumer na siguruhing may tama at importanteng palantandaan ang mga tangke ng LPG gaya ng registered brand name at trademark ng manufacturer, standard used and test dates, serial o code number, ‘Made in the Philippines’ na tatak, expiry date at tare weight in kilograms.
Pinaalalahanan din ang mga mamimimiling suriin ang timbang ng kanilang mga tangke base sa kung paano ang mga ito in-advertise. Ang mga tunay na tangke ng Solane LPG ay may biodegrable na selyo at tumitimbang ng halos 13-15kilos kung AS o de salpak, 11.5 –14 kilos kung POL o de roskas at 4.1kilos naman kung Solane Sakto.
Nanawagan ang Solane na bumili lamang sa mga awtorisadong sources. Para masigurong tunay ang mga tangke ng LPG, maaaring tumawag ang mga konsyumer Hatid Bahay Hotline (02) 8887-5555, magapdala ng mensahe sa 0918-887-5555 (Smart) / 0917 8977555 (Globe) o sa Solane Facebook page (http://m.me/solane.ph), o direktang mag-order sa Solane LPG app. Maaari ring magplace ng order sa pamamagitan ng Solane Web Ordering Platform (order.solane.com.ph).