SHOCK and overwhelmed ang Kapuso hunk actor na si Gil Cuerva nang makarating sa kanyang kaalaman na siya ang napipisil na maging co-host ni Solenn Heussaff sa show dati nila ni Rhian Ramos na “Taste Buddies”. Nagpaalam na kasi si Rhian sa naturang programa at hindi na muna tumanggap ng anumang show mula sa GMA-7 pagkatapos niyang gawin ang mga pelikulang ‘The Trigonal” at “Tres”, dahilan sa minabuti ni Rhian na mag-aral muna sa ibang bansa para mas lumawig pa ang kanyang kaalaman pagdating sa entertainment world.
Aprub naman kay Solenn na lalake naman ang susunod niyang co-host na kung saan simula nang umere ang “Taste Buddies” ay pawang kapwa niya girls ang co-host tulad nina Isabel Daza at Rhian Ramos. Sa side naman ni Gil, para sa baguhang hunk actor, challenge accepted.
Kakaiba raw ito kay Gil, pero hindi niya uurungan ang offer. Sa katunayan pa nga raw ay excited na siya. Kaya nga nang nag-first taping day si Gil sa “Taste Buddies” ay sinigurado niya sa sarili na handang-handa na siya sa bagong yugto ng kanyang showbiz career. Ang isa pang nagbigay daan para kay Gil na maging madaling makisama sa staff at sa host nitong si Solenn ay ang madalas na pagiging guest ni Gil noon sa show.
GLAIZA DE CASTRO IN LOVE NA
UNTI-unti na nga bang nilalabas ni Glaiza de Castro ang lalaking maituturing niyang isang inspirasyon? Madalas na rin kasing makita na may kasamang isang non-showbiz guy na isang foreigner si Glaiza.
Say naman ng Kapuso actress na David Rainey raw ang pangalan ng naturang guy na madalas na nakabuntot sa kanya at isa itong surfing instructor. Aminado si Glaiza na masaya siya ‘pag kasama si David. Enjoy rin daw ang instructor sa tuwing sinasamahan niya si Glaiza sa mga showbiz commitment ng dalaga.
Kaya marami na ang nagsasabing tila nakita na rin ni Glaiza ang lalaking matagal na niyang pinagdasal na maging Mr. Right niya?
Sabi naman ng actress, wala naman para raw level ang kanilang relasyon ni David, tingnan na lang daw sa susunod na mga araw kung saan aabot ang kanilang masayang samahan. Basta raw sa ngayon ay happy si Glaiza at si David na magkasama.
Eh paano naman ang tsikang aalis siya ng bansa para mag-aral sa Europa? Ani ni Glaiza nasabi rin daw niya ito kay David pero ang binata ay pupunta rin sa bansa kung saan balak ni Glaiza mag-aral. Ani pa ng actress, may kapatid daw doon si David at malamang ay pansamantalang doon manunuluyan ang binata habang nag-aaral si Glaiza. Say pa rin ng dalaga, okey naman daw sa kanya na nasa kasa-kasama ang guy kahit sa kanyang pag-aaral.
Comments are closed.